Sabado, Marso 19, 2016

Explore Kalamansig, Sultan Kudarat this Summer




                   Bilang isang lakwatsera, higit na marami kang madidiscover na bukod sa maganda na, libre pa. Libre? Meron pa ba iyon ngayon? Ang sagot ko, "MERON". May irerekomenda ako sa inyo. Subukan niyong pumunta sa Mindanao specially sa Kalamansig, Sultan Kudarat, ang Tayandak. Mula sa Cotabato City, halos 3-4 na oras ang biyahe papunta doon. Maraming mga untouched beaches doon na sigurado akong maeenjoy niyo. Bukod sa white sand na, sobrang linaw pa ng tubig. Sa sobrang linaw nito, makikita niyo sa ilalim ng tubig ang iba't ibang isda na kasabay niyong lumalangoy. Walang entrance fee! As in wala talaga! Bukod sa libre na, mabubusog pa ang mga mata niyo sa mga magagandang tanawin na inyong madadaanan. Huwag niyo nga lang kaligtaan ang gumamit ng sunblock. Explore this summer na!



Star fish


2 komento: